Tuesday, May 25, 2010

Uncle A's message for Filipino KissMes about the UKISS' Concert

I know all the Kiss Mes know Uncle A.
Uncle A or Daddy A is short for Anthony Eusebio.
He is the father of Alexander "Xander" Eusebio of U-KISS.

Here's his message for the Filipino Kiss Mes via Twitter:

On Tuesday 25th May 2010, @AnthonyEusebio said:

UKISS 1st Concert in the Philippines 29 May Sat

Hi! KissMes Pinoy

Talagang napaka lungkot namin, ako at ang aking pitong anak dahil sa pag-urong ng UKISS PH Concert na talagang hindi maiiwasan.
Ginagalang at sinusuportahan namin ang desisyon mula sa local promoter dahil alam ko na ayaw rin naman nila yoon mangyari. Dahil kung hindi, hindi nila kukunin ang UKISS para mag concert sa Pilipinas.
Paki-usap na huwag tayong magalit at malungkot at tingnan nalang natin ang positibong side na mas makakapagpahinga sila at mas makakapaghanda pa para sa isang mas magandang programa at mga special guests.

Bilang isang taga sunod ng Diyos, hiningi ko sa aking mga Boys na ipagkatiwala nalang nila ito sa Diyos.
Pero, ito ay maaring isang magandang hamon para sa ating lahat na mas lalo pa nating mahalin at bigyang halaga ang isa't isa.
Hindi ko alam kung kailan sasabihin ng NHM o ng mga Boys itong news na ito pero dahil naging tulay na rin kayo, maari bang pahintulutan niyo akong magbigay ng mensahe muna? Kung meron mang sisihin o pagagalitan sa mga organizers sa PH o Korea, ibigay niyo nalang sa akin at malugod kong tatagapin yoon. Gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng mga inconvenience na naidulot nito.

Samantala, kasalukuyan na nagmeemeeting ang NHM at PEP at hintayin nalang natin ang kanilang official announcement mamaya, okay? Tandaan natin, hindi ito CANCELED kung hindi POSTPONED lang sa June. Kaya 'wag tayo mawalang ng pag-asa!

Maraming salamat at mahal ko kayong lahat!

Blessings & Love,
in Christ,
Anthony Eusebio



source: http://www.twitlonger.com/show/1fnn12

No comments:

Post a Comment